Nasa “last two minutes” na ang rehimeng Duterte subalit ang pangako noong 2016 ay nananatiling “Change Scamming”. Upang maitulak ang totoong pagbabago para sa susunod na administrasyon, hinahamon natin si Duterte na ipatupad ang mga kagyat na pagtugon sa mga problemang kinahaharap ng masa.
Maari niya gawin ang sumusunod sa pamamagitan ng Executive Order (EO) at sa pag-certify bilang urgent ng mga batas mula sa kanyang mga kaalyado sa kongreso’t senado:
-
P750 NATIONAL MINIMUM WAGE. Itulak ang government representatives sa regional wage boards na suportahan ang mga petisyon para sa makabuluhang dagdag sahod at isabatas ang lehislasyon sa pagtatakda ng minimum wage.
-
PRICE CONTROL AT SUSPENSYON SA VAT at EXCISE TAX SA PRODUKTONG PETROLYO. Tugununan ang sumusirit na mga presyo. Ang Section 14 ng Oil Deregulation Law ay may puwang sa kontrol at regulasyon sa presyo’t industriya ng langis sa panahon ng emergency. Ang regulasyon sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan ay tungkulin ng trade industry o DTI. Bakit sobrang deregulated ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng mahigpit na regulasyon sa sahod, na presyo ng buhay ng manggagawa?
-
PAG-AARAL SA WEALTH TAX AT PAGBAWI SA ILL-GOTTEN WEALTH NG PAMILYA MARCOS. Salubungin ang panukala para sa pagbubuwis sa yaman, kita, at pag-aari ng mga bilyonaryo. Ilabas ang EO para pag-aralan ng BIR at DOF ang “wealth tax”, at agad itong isalang sa lehislatura para sa mabilisang pagsasabatas. Kung walang “wealth tax” at pagbawi sa ill-gotten wealth, malulubog lang lalo ang ating gobyerno sa sobra-sobra nang pangungutang na ginawa ng rehimeng Duterte.
-
AYUDA SA MAMAMAYAN. Itaas ang ayuda sa taumbayan sa gitna ng mga pagsirit sa mga presyo, laluna’t hindi pa sila nakakaahon sa sobrang hirap na idinulot ng mga lockdown dahil sa pandemya. #