Ang epekto ng panukalang 4-day work week ay kabawasan sa kita ng manggagawa. Dahil imbes na “no loss in pay” ay magiging “no work, no pay”.
Paalis na nga lang sa pwesto, nagawa pang mamerwisyo. Imbes na tulungang dumagdag ang kita ay binawasan pa.
Ang aking panukala para sa shortened workweek, na maaring 6-hour working day, nang walang kabawasan sa sweldo, ay naglalayong magdagdag na isang shift para sa karagdagang empleyo habang binabawasan ang physical depreciation ng katawan ng manggagawang nalalaspag sa pag-oobertaym at pagtarabaho.
Imbes na pinapalitan ng makina ang pagkaempleyo ng tao, ang pag-unlad sa teknolohiya ay dapat humantong sa pagbabawas ng hours of work, nang hindi binabawasan, bagkus ay dinadagdagan pa ang sweldo.###
PANUKALANG 4-DAY WORK WEEK AY 'DI DAPAT KABAWASAN SA SAHOD.
March 16, 2022