Ka Leody's Comprehensive Women Agenda

March 08, 2022

PAGBATI SA PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN

Bumabati ako ng makabuluhang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa lahat ng kababaihan, nang may pagpapaalala na unang naitala ang petsang ito sa kalendaryo at sa kasaysayan bilang “International Working Women’s Day”.

Dapat nang iwaksi ang mga makaluma’t patriyarkal na mga kaisipang tinuturing ang kababaihan bilang “segunda klaseng mamamayan”, na sila ay “mahina” at “pang-libangan”, “pangkama” o “pambahay” lamang.

Nananatili ang mga atrasadong kaisipang ito kahit sa ilalim ng modernong sibilisasyon ng kapitalismo. Ginagamit na katuwiran upang panatilihing mababa ang sahod at benepisyo ng mga kababaihan. Idinadahilan para hindi maging pantay ang oportunidad sa pagitan ng mga gender o kasarian. At higit sa lahat, nagiging balakid para sa tunay na pagkakaisa ng milyon-milyong pinagsasamantalahang manggagawa.

Pagsasamantala itong batay sa kasarian, na siya ring dinaranas ng LGBTQIA+. Isang klase ng pang-aapi, na bagamat dinaranas ng lahat ng babae, ay ilang ulit na mas matindi para sa mga kababaihang manggagawa. Kasama dito ang mga wage workers, na dati’y ang bulto ay nasa garments sector (tulad ng aking pinasukang Aris Philippines sa loob ng 13 years), ngunit ngayo’y nasa white collar jobs sa mga urban areas. Kabilang din dito ang mga informal workers, laluna ang unpaid family workers na karamiha’y nasa kanayunan at sektor ng agrikultura.

Hindi tayo maaring mag-usap ng kalayaan ng manggagawa mula sa pagsasamantala’t pang-aapi kung hindi lalaya ang kababaihang manggagawa - na siyang mas pinagsasamantalahang seksyon nito. Krusyal na usapin ang domestic care work at “double burden”, ang pag-aatang sa kababaihan ng obligasyong alagaan ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino, nang walang nakakamit na pagkilala at suporta mula sa estado, habang naoobligang magtrabaho para mabuhay.

Sa ganitong diwa, ating isinusulong ang sumusunod na kahilingan para sa kababaihan, partikular para sa kababaihang manggagawa, at para sa sektor ng LGBTQIA+.

Ka Leody’s Comprehensive Women Agenda

women agenda 2

  1. Pantay na karapatan at oportunidad sa trabaho at sweldo. Pagtanggal ng mga balakid, tulad ng diskriminasyon ng lipunan, panunupil ng estado at karahasan sa kababaihan, na hadlang sa lubos nilang paglahok sa produksyon at ekonomiya.

women agenda 3

  1. Pantay na karapatan sa representasyon sa mga institusyon ng gobyerno at maging sa mga pribadong institusyon at organisasyon. Pagtanggal ng mga balakid sa lubos na paglahok sa pampulitika at panlipunang mga gawain.

women agenda 4

  1. Karapatan ng kababaihan na magpasya sa kanyang sarili kaya’t nararapat na ipagkaloob ang kanyang karapatan sa reproductive rights at reproductive health, kabilang na dito ang ligtas na aborsyon. Lubos na ipagbawal ang forced sterilization.

women agenda 5

  1. Pagsasabatas ng diborsyo, at agarang pagtitiyak ng estado at mga kapitalista sa pagkakaloob ng karampatang alimony at child support. Pasimplehin ang prosesong ito at agad na ipagkaloob sa kahilingan ng sinuman sa mag-asawa.

women agenda 6

  1. Pagprotekta ng estado sa mga bata laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aapi, gaya ng child labor, child prostitution at trafficking, at karahasan laban sa mga bata. Pagtatanggal ng lahat ng anyo ng diskriminasyon sa mga bata, kabilang ang sinasabing kategorya ng “illegitimate children.”

women agenda 7

  1. Pagwawakas sa sexism at sexist stereotyping sa media, mga paaralan at iba pang institusyon. Magkaroon ng sex education sa kurikulum ng mga paaralan.

women agenda 8

  1. Pagsasabatas at pagpapatupad ng mga proteksyon laban sa lahat ng porma ng karahasan sa kababaihan at pagbibigay ng mga serbisyo sa mga biktima.

women agenda 9

  1. Dekriminalisasyon ng prostitusyon sa dahilang ang kababaihan na silang biktima ng kahirapan at bulok na sistema ng ating lipunan ang sila pang tinatratong kriminal ng estado. Dapat litisin ng estado ang lahat ng kapitalista sa sex industry na kumikita sa pagsasamantala ng kababaihan at kabataan.

women agenda 10

  1. Pagkilala at pagrespeto ng estado sa sexual preference at gender preference bilang lehitimong desisyon ng indibidwal at ipagbawal ang lahat ng anyo ng diskriminasyon at pang-aapi sa mga bakla at lesbiana sa larangan ng trabaho, edukasyon at batas, gaya ng pagbabawal sa same-sex marriage at usapin ng child custody. Gayundin, hindi dapat pakialaman ng estado ang mga usaping sekswal hangga’t walang nasasaktan, napipilit o napagsasamantalahan.

women agenda 11

  1. Pagkilala ng estado sa iba’t ibang anyo ng relasyon labas sa matrimonya (de facto relationship) at pagkakaloob dito ng pantay na karapatang ligal at panlipunan kagaya ng mga relasyong binasbasan ng kasal o matrimonya.

women agenda 12

  1. Pagkilala ng estado at lipunan sa kahalagahan ng gawaing reproduksyon. Alinsunod dito, ipagkaloob sa lipunan ang iba’t ibang pampublikong serbisyo at programa na magpapagaan sa “domestikong gawain” gaya ng pag-aalaga ng bata, matanda at maysakit at iba pang “gawaing bahay”, at magpapaunlad sa gawaing reproduksyon.

    Bukod dito, sa pamamagitan ng malawakang kampanyang edukasyon ay ipalaganap ang kaisipan at kulturang kumikilala sa gawaing reproduksyon at “gawaing bahay” bilang parehong responsibilidad ng lalaki at babae.


Share:

Ka Leody Campaign Logo

Manggagawa Naman. Atin to!

FOLLOW OUR CAMPAIGN

Contact

Have feedback for the campaign? Send a message using the form below, or send an email to media@kaleody.org

Passionately made by volunteers of Ka Leody De Guzman

© 2022