Sa Malisyosong Paglikha ng Kalituhan at Pananabotahe ng KALEODY.COM

February 24, 2022

Pinag-aaralan na natin ang paghahain ng kaso laban sa mga may pakana ng domain grabbing. May ebidensya na tayo ng pag-redirect mula sa kaleody.com tungo sa bongbongmarcos.com. Para sa kaalaman ng lahat, ang aking campaign website ay kaleody.org.

Malinaw na ang intensyon ng ganitong “dirty tricks” ay lumikha ng kalituhan sa mga botante at manabotahe ng kampanya ng iba.

Inaasahan nating marumi ang eleksyon ng mga elitista’t tradisyunal na partido, ngunit hindi ko inakalang pati pangalan ko pala ay magagawa nilang nakawin. Wala silang patawad, lahat na lang ay kanilang inaangkin.

Delikado maging pangulo ang sinumang naniniwalang eksempted sila (at ang kanilang mga tagasuporta) sa pagtalima sa mga batas ng pamahalaan.

Nanawagan ako sa awtoridad na imbestigahan ang pangyayari. Humanda sila’t hindi natin tatantanan sa ganitong kawalang-hiyaan!


Share:

Ka Leody Campaign Logo

Manggagawa Naman. Atin to!

FOLLOW OUR CAMPAIGN

Contact

Have feedback for the campaign? Send a message using the form below, or send an email to media@kaleody.org

Passionately made by volunteers of Ka Leody De Guzman

© 2022