SA MGA BANTA NG PASABOG NI DUTERTE SA MGA KANDIDATO

January 25, 2022

May panibagong pasabog diumano si Duterte sa kung sino ang korap sa mga kandidato sa pagkapangulo. Nagtatangkang maging “relevant” ang “lame duck” na pangulo. Nag-iingay ang pato para hindi siya katayin pagtapos ng kanyang termino at upang hindi mabawi ang naipon niyang itlog sa anim na taon.

Pamumulitika ang inaatupag ng hambog na si Duterte, imbes na konsentrahan ang mga krisis sa kalusugan, kabuhayan, klima, at karapatan.

Kung talagang pagmamalasakit sa bayan at hindi simpleng pagpwesto para sa negosasyon ang kabanatang ito, hinahamon natin ang pangulo na maglabas ng ebidensya hindi lang puro patutsada.###


Share:

Ka Leody Campaign Logo

Manggagawa Naman. Atin to!

FOLLOW OUR CAMPAIGN

Contact

Have feedback for the campaign? Send a message using the form below, or send an email to media@kaleody.org

Passionately made by volunteers of Ka Leody De Guzman

© 2022