Pag Mali ang Problema, Tiyak Mali Rin ang Solusyon na Gagawin Mo!

January 24, 2022

Pag mali ang problemang alam mo, tiyak mali rin ang solusyon na gagawin mo!

Sa The Jessica Soho Presidential Interviews, tinanong ang mga presidentiables kung bakit hindi umuunlad ang bayan at ano ang solusyon nila.

Para kay Lacson. Ang problema ay …“Tumigil nang mangarap ang tao!” Kaya ang solusyon nya ay “muling mangarap.” Wow! Tumigil na nga bang mangarap umunlad ang mga tao? Binabangungot na nga e, wala pa rin.

Para naman kay Leni. “Nakalimutan na ng mga tao ang pagpapahalaga sa …Values. … Ang Filipino Values ay paggalang sa mga magulang, bayanihan, relihiyoso, pagmamahal sa bansa, pangangalaga ng pamilya at paggalang sa mga nakatatanda.” Kaya ang solusyon nya ay…“palakasin ang values ng mga Pilipino.” Wow ulit. Wala na ba itong lahat sa atin?

Para kay Pacquiao. “Matitigas ang ulo ng mga tao. Hindi sumusunod sa batas!’ Kaya ang solusyon ay … “magkaisa at sumunod sa batas.” Pangatlong WOW. Matitigas ang ulo ng mga Pilipino? Baka may 5 porsiento at iyon ay yung mga di nagbabayad ng buwis kagaya nya at ni Marcos. Nagnanakaw kagaya ng maraming pulitiko. Pero masunurin ang 95 % ng Pilipino.

Para kay Isko. ”Dalawa lang kasing pamilya ang nagpapalitan sa pwesto.” Ibig nyang sabihin siguro ay political dynasty. .. ito pa ang may puntos. Pero upak lang nya ito kay Bong Bong hindi kay Duterte dahil love nya at nililigawan si Duterte. Ang tawag dyan ay double standard. Lahat ng sagot ng apat (4) ay umiwas na sagutin nang diretso ang tanong o sadyang yun lang ang alam nilang problema at solusyon kung bakit di umuunlad ang ating bayan. Sa halip ay isinisi sa tao ang di pag-unlad ng bayan.

Para sa akin…ang problema ay ang kahirapan at kaapihan ng 90% ng mamamayan. Ito ay dahil sa ang naghalinhinang mga administrasyon mula kay Marcos, Aquino, Estrada, Arroyo, Aquino hanggang kay Duterte ay pawang nagsilbi sa mga kapitalista. Mumo lang ang ibinigay nila sa taumbayan. Kaya ang mga kapitalistang mayayaman na ay lalo pang yumayaman at ang mga mahihirap ay lalo pang naghihirap.

Ang solusyon ay baguhin ang mga batas at patakaran na nagpapayaman lamang sa iilan at nagpapahirap sa mamamayan. Kagaya ng:

  1. Regularisasyon sa trabaho. Hindi kontraktwalisasyon.
  2. Nakabubuhay ng pamilya na minimum wage (750/day) across-the-board, nationwide.
  3. Gumawa ng bagong road map sa pagpapaunlad ng agrikultura para sa food security/sovereignty. At tiyakin ang pondo para rito. Repeal ang Rice Tarrification Law na nag pahirap sa mga magsasaka.
  4. Pambansang industriyalisasyon.
  5. Dapat magkaroon ng regulasyon sa industriya ng langis para mabantayan ang pagtatakda ng presyo at iba pang usapin.
  6. Deprivatization ng sektor ng serbisyo. (tubig, kuyente, kalusugan, edukasyon) Dapat i-nationalize at pababain ang bayarin ng mga tao kung hindi man libre
  7. Baguhin ang electoral system. Ipagbawal na makasali pa ang mga akusadong magnanakaw, pamilya ng pulitikal dynasty at mga trapo para hindi na sila makapwesto at mabawasan kung hindi man mawala na ang problema sa korapsyon at kawalan ng mga nakaupo ng vision para sa kaunlaran ng bansa.
  8. Itigil ang malawakang pagkakasira sa kalikasan. Pumihit sa renewable energy bilang pangunahing pagmumulan ng kuryente. Unahin ang kapakanan ng mga manggagawa at buong masang Pilipino bago ang tubo ng negosyo! Sayang e, hindi tayo isinali.###

Share:

Ka Leody Campaign Logo

Manggagawa Naman. Atin to!

FOLLOW OUR CAMPAIGN

Contact

Have feedback for the campaign? Send a message using the form below, or send an email to media@kaleody.org

Passionately made by volunteers of Ka Leody De Guzman

© 2022