Ang Tallano gold gaya ng kahariang Maharlika ay walang istorikal na ebidensiya, isang urban legend ika nga. Ang pagkalat ng kwento ay dulot ng isang detalyado at pantastikong istorya na may masasamang motibasyon sa likuran nito: – Una, ang linlangin ang mamamayan para mapagsamantalahan ang kanyang kahirapan at kawalan ng kaalaman sa usapin.
Ikalawa, ilihis ang kanyang atensyon para maabala sa mga trivial na usapin imbes na harapin ang mga mabibigat na usaping panlipunan gaya ng kagutuman, kapayapaan, sistematikong inhustisya at climate change at panghuli, samantalahin ang malawak na kagutuman at kawalan ng pag-asa ng marami.
Nakakalungkot na marami pa ring nabibiktima ang pamilyang Marcos sa paghahabi ng mga kathang isip at pagpapakadalubhasa sa pambobola sa ating mamamayan. Gayung nung 2017, ay napabalita na, ang libo-libong mga taong dumagsa sa UP Los Banos dahil magbibigayan daw ng Tallano gold pero wala namang napala ang mga kababayan natin.
Hamon ito sa mga edukado na isiwalat imbes na kutyain ang mga nabiktima ng kwentong Tallano gold.
Kailangan natin palaganapin ang kritikal at siyentipikong pagsusuri para maitaas natin ang kalidad ng pambansang diskurso.