Sa Kunwaring Pagmamatigas ni Duterte sa Droga at Korapsyon

January 05, 2022

Ang mga isyu ng korapsyon at droga ang nagluklok kay Duterte sa pagkapangulo. Hindi niya ito bibitiwan kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na pumalpak siyang puksain ang dalawang salot na ito.

Imbes na magpakumbaba sa takipsilim ng kanyang miserableng termino, hindi siya humihingi ng kapatawaran sa libo-libong pinatay ng kanyang kontra-mahirap na gyera sa droga at sa bilyon-bilyong pisong patuloy na nawawala sa katiwalian taon-taon.

Ang paglala ng mga problema sa droga at korapsyon ang pamana ng rehimeng Duterte sa susunod na henerasyon ng mamamayang Pilipino.

Kumukupas man ang kanyang popularidad, gagamitin ang mga isyung ito para hindi maging “lame duck”. Hindi pa para panatilihin ang kanyang tigasing imahe kundi para may pang lyabe siya sa mga kandidatong hinahabol ang kanyang endorsement at maging sa susunod na administrasyon.###


Share:

Ka Leody Campaign Logo

Manggagawa Naman. Atin to!

FOLLOW OUR CAMPAIGN

Contact

Have feedback for the campaign? Send a message using the form below, or send an email to media@kaleody.org

Passionately made by volunteers of Ka Leody De Guzman

© 2022