Kung totoong ang sinasabi ng DoH na bumababa na ang bilang ng may Covid sa bansa, nararapat lamang na pagtuunan na nito ng pansin ang kahilingan ng mga medical frontliners natin. Hindi katanggap-tanggap na patuloy na binabalewala ang gulugod ng pagbangon natin mula sa pandemya lalo pa’t sasabak muli sila sa matinding hamon at panganib sa pagkakatuklas ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. Dapat nang ipagkaloob ang mga benepisyong Special Risk Allowance, Meal, accommodation at transportation allowances, Active Hazard Duty Pay at Life insurance na ipinag-utos ng Bayanihan 2.
Makiisa at suportahan ng lahat ang ating mga manggagawang pang-kalusugan at patuloy na kalampagin ang mga nagbibingi-bingihan sa gobyernong manhid.